Inihain na kahapon ni Sen. Mar Roxas ang panukalang batas na naglalayong amiyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention.
Ang panukala ni Roxas ang panlaban ng Senado sa panukalang Constituent Assembly na isinusulong naman sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Sa kanyang panukala, sinabi ni Roxas na kung nais ng Malacanang na baguhin ang Konstitusyon, dapat ihalal ang mga delegado ng constitutional convention at isabay ito sa nalalapit na 2010 elections.
Naniniwala si Roxas na mas practical kung pagsasabayin ang paghahalal ng mga delegado ng Concon na babago sa Konstitusyon at eleksiyon sa 2010 upang makatipid ang pamahalaan,
Naniniwala si Roxas na mas layunin ng panukala sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na panatilihin sa posisyon si Pangulong Gloria Arroyo kahit tapos na ang kanyang termino sa 2010.
Sa Senate Bill No. 2923 ni Roxas, dalawang con-con delegates ang ihahalal sa bawat legislative district at isasabay ito sa 2010 national elec tions. (Malou Escudero)