Natapos na rin kahapon ang karahasan sa Thailand matapos umatras ang puwersa ng anti-government troops sa kinubkob na Bangkok International Airport kasunod ng pagbaba sa puwesto ng kanilang Prime Minister Somchai Wongsawat.
Umabot sa walong araw ang itinagal nang kaguluhan sa Thailand sanhi upang ma-stranded ang may 230,000 turista.
Gayunman, nabatid sa Thai government na maaaring abutin pa ng hanggang Disyembre 15 bago tuluyang nabuksan para sa international flight ang Suvarnabhumi Airport dahil sa gagawing pag-aayos at pagkukumpuni sa loob.
Ayon kay airport general manager Serirat Prasutanond na ang maraming mga nasira sa loob ng paliparan sa paglusob ng mga protesters na nangangailangan pa ng pag-aayos maging ang security at computer system nito na posibleng abutin ng dalawang linggo.
Ang nasabing paliparan ang sinasabing isa sa mga pinakamalaking airport sa buong mundo na nagkakahalaga ng $4 bilyon. (Ellen Fernando)