^

Bansa

BI men bawal bumati ng 'Merry Christmas!'

-

Kahit dapat laging na­kangiti habang naka-duty, bawal naman sa mga immigration officers na nakatalaga sa mga pali­paran na batiin ang sinu­mang pasahero ng “Merry Christmas” sa buong bu­wan ng Disyembre.

Naglabas si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ng memorandum order na nagbabawal sa lahat ng immigration officers at immigration supervisors na nakatalaga sa Ninoy Aqui­no International Airport (NAIA) at sa iba pang sub­ports na bumati ng Maliga­yang Pasyo sa lahat ng dumarating at paalis na pasahero.

Nagsimula ang ban sa pagbati noong December 1 at tatagal ng hanggang January 2009, ayon kay Libanan.

Layu­nin ng kanyang kautusan ay upang hindi mabigyan ng maling im­presyon ang pagbati ng mga kawani ng BI ay nang­hihingi ng tip ang mga ito

Naniniwala si Libanan na susundin ng mga BI personnel sa mga pali­paran ang kanyang kautu­san dahil ang layunin nito ay protektahan hindi lang ang reputasyon ng ahen­siya at mga empleyado nito kundi ang buong bansa.

Ginawa ni Libanan ang kautusan sa gitna ng pag­dagsa ng mga balikbayan at overseas Filipino workers (OFWs) na magbaba­kasyon kasama ang kani­lang pamilya. (Gemma Amargo-Garcia)

BUREAU OF IMMIGRATION

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

DISYEMBRE

GEMMA AMARGO-GARCIA

INTERNATIONAL AIRPORT

LIBANAN

MERRY CHRISTMAS

NINOY AQUI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with