P6M ransom sa kidnap victim
Humingi na ng P6 milyong ransom ang mga kidnaper kapalit ng pagpapalaya sa isang 9-anyos na ba bae na anak ng mag-asawang negosyante sa Basilan.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, kaugnay ng search and rescue operations upang iligtas si April Nicole Tejada Raveche. Ang bata ay binihag ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Poblacion ng Lamitan, Basilan noong Nobyembre 26.
Nabatid na ang nasabing ransom demand ay ipinarating ng mga kidnaper sa mga magulang ng bata. “Our operations was part of the punitive action against the Abu Sayyaf Group and some rogue Moro Islamic Liberation Front (MILF) members in the area,” pahayag pa ng spokesman ng Philippine Navy.
- Latest
- Trending