^

Bansa

POW buhay pa

-

Buhay pa ang Prisoner of War na si Army 1st Lt. Vicente Cam­mayo na pi­na­tunayan sa ipinalabas na video footage ng New Peo­ple’s Army na bumihag dito sa Monkayo, Com­postela Valley.

Sa naturang video footage na ipinalabas ng Merardo Arce Command-Southern Minda­nao Regional Operations Command ng NPA ay mapapanood ang video footage ni Cam­mayo, Commander ng 11th Company ng Army’s 3rd Special Forces Battalion na nakikiusap para sa ka­niyang madaliang pag­laya.

Ang nasabing video footage ay ipinarating ni Cammayo sa buntis nitong asawang si Ma­riel, inang si Cecilia at sa iba pang miyembro ng kaniyang pamilya na huwag mag-alala sa kaniyang kaligtasan dahil buhay pa siya na trinatrato naman umano ng maayos ng mga rebeldeng bumihag sa kaniya.

Sa naturang video clip ay makikita na bal­bas sarado, nakaupo sa isang duyan, nakasuot ng pulang t-shirt sa ilalim ng kaniyang camouflage uniform, napa­palibutan ng damo ang lugar, may isang naka­tayong bantay may pitong metro na armado ng automatic rifle kung saan ay bakas ang lung­kot at takot sa muk­ha nito.

Si Cammayo ay ka­sa­lukuyang POW ng Alejandro Lanaja Command Front 3 Operations Command ng NPA matapos itong makor­ner sa engkuwentro sa Brgy. Casoon, Monka­yo, noong Nobyembre 7.

Bukod kay Camma­yo, POW rin ng NPA ang pulis na si Po3 Eduardo Tumol ng 1105th Provincial Mobile Group na dinukot naman ng mga rebelde noong Nobyem­ bre 5. (Joy Cantos)

ALEJANDRO LANAJA COMMAND FRONT

EDUARDO TUMOL

JOY CANTOS

MERARDO ARCE COMMAND-SOUTHERN MINDA

NEW PEO

OPERATIONS COMMAND

PRISONER OF WAR

PROVINCIAL MOBILE GROUP

REGIONAL OPERATIONS COMMAND

SHY

SI CAMMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with