Tagaytay 5 naniningil

Humihingi ng dan­yos sa Department of Justice ang tinaguriang “Tagay­ tay 5” dahilan sa ilang taong pagkaka­kulong sa kanila ng gobyerno.

Ayon kina Riel Cus­todio, Axel Pinpin, Aris­tides Sarmiento, Rico Ybanez at Michael Mi­sayes, ang gobyer­no uma­no ang siyang res­ponsable sa halos 28 buwan nilang pag­ka­kapiit matapos si­lang arestuhin ng Ca­la­barzon regional police office at ng Navy Intelligence .

Sinabi nila na pa­tuloy silang mag­hahanap ng kataru­ngan kahit na pi­na­wa­lang sala sila noong Agosto 20,2008.

Hindi pa rin sila kun­tento dahil sa ang may sala at lumabag sa ka­nilang karapa­tang pan­tao ay patuloy pa ring na­kakalaya sa Southern Tagalog region.

Ang lima ay ina­resto ng mga awtori­dad dahil sa hinalang miyembro sila ng New Peoples Army. (Gemma Amargo-Garcia)

Show comments