Gatas ng baka at itlog ng manok panlaban sa dengue
May mabisang pang-sagip buhay sa tumataas na bilang ng sakit na dengue na dala ng virus ng lamok.
Ito ang napatunayan sa paglalarawan ng ilang nakaranas na maisalba ng isang uri ng natural supplement na nagmula umano sa kolustrum o gatas ng baka at dilaw sa itlog o ‘egg yolk’ na ipri noseso sa pamamagitan ng transfer factor.
Sa pamamagitan umano ng tinaguriang transfer factor product, isang batang naka-confine sa intensive care unit ng San Lazaro Hospital ang naisalba ang buhay sa kamatayan, nang magbigay ng libreng transfer factor product ang grupo ni Mrs. Emilen Uy.
Nabatid na ang pasyente ay pinagkalooban ng libreng transfer factor na inihalo sa inuming tubig. Ang platelet na nasa kritikal na level na lamang ay biglang umakyat sa normal level sa unang pag-inom pa lamang. At sa ikalawang kapsula na inihalo sa tubig, gumanda ang kondisyon at nailabas na sa ICU ang batang hindi pinangalanan.
Sa paliwanag ni Uy, ang nasabing produkto ay natuklasan noon pang 1949 bilang pampalakas ng immune system ng isang tao at noong 1991 ay nagsimula itong ga mitin sa iba pang panig ng mundo.
Taong 2004 lamang umano nadala ito sa Pilipinas na animo’y ‘wonder cure’ hindi lamang sa nakamamatay sa dengue, kungdi panlaban sa lahat ng uri ng malalang karamdaman, kabilang ang sakit sa puso, respiratory diseases, bacterial at iba pang viral diseases na wala pang natutuklasang gamot. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending