Gloria 'di bababa

Walang indikasyong bababa sa kapangyari­han si Presidente Gloria Arroyo sapagkat ang bi­nabalak na Konstitus­yon ay naglalayong ma­natili siya sa poder.

Ito ang paniniwala ni Liberal Party President at Senador Mar Roxas na nagsabing ipipilit ng mga alipores ng Pangu­lo na maipasa ang “Glo­ria Forever Constitution.”

Ayon kay Roxas, wala nang makuhang suporta ang adminis­tras­yong Arroyo sa taum­bayan dahil sa pagka­bigo nitong tu­parin ang pangako nitong maging malinis at mahusay sa pamama­hala.

Ayon pa kay Roxas, anumang tangkang pwersahin ang pagpa­pasa ng “Gloria Forever Constitution” ay lalo lang patitibayin ang papel ng Arroyo Ad­ministrasyon bilang siyang pinakasu­gapa sa kapangyarihan at pinakainutil na gob­yerno sa kasaysayan, ani Roxas sa isang speech ngayong linggo sa Private Hospitals Association of the Philippines.

Mas interesado ang mga Pilipino sa 2010 elections kaysa sa isinu­sulong na Charter Change na sa totoo lang ay “Gloria Forever Constitution” ng mga kaal­yado ni Pangulong Arroyo sa Kamara, dagdag ni Roxas.

“Mayroon tayong social contract...pero ang kontratang ito ay wala na. Napunit na ang ka­sunduang iyon. Punit-punit na ang social contract na ito kaya paki­ram­dam ng marami na­ting kababayan ay hindi na sila bahagi ng lipu­nan at ng pamahalaan kaya marami sa ating mga kabataan ay wala nang pakialam kung ano ang mga nangya­yari sa ban­sa,” ayon sa senador .  

Gayunman, nanini­wala ang Ilonggong se­nador na makakatulong ang mga Pilipino para magkaroon ng reporma sa gobyerno sa pama­magitan ng pakikilahok sa 2010 national elections.

Show comments