Sideline ng pulis pinayagan
Upang maibsan ang malalang problema sa pa ngingikil, inihayag ni National Capital Region Police Office Chief Director Leopoldo Bataoil na pinahihintulutan niyang mag-sideline ang mga pulis na nakatalaga sa Metro Manila.
Sinabi ni Bataoil na walang masama sa mga pulis na nagsa-sideline kung nais ng mga ito ng dagdag na kita.
“Any sideline, taxi driver, basta marangal kung nais ng ating mga pulis ng dagdag na income para sa kanilang pamilya,” ani Bataoil.
Gayunman, nilinaw ni Bataoil na kailangang marangal na hanapbuhay ang papasukin ng mga pulis at bawal ang mga bouncer dahil karaniwan nang nanggugulpi ito ng mga lalaking abusado sa mga club o nambabastos ng Guest Relations Officer na taliwas sa sinumpaang tungkulin ng kapulisan.
Sinabi pa ng NCRPO Chief na kung nais mag-sideline ng mga pulis ay hindi naman niya ang mga ito pipigilan basta off duty ang mga ito. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending