GMA at FG ipinaospital

Mahigpit ang pag­ba­bantay ng mga aw­to­ridad sa St. Luke’s Medical Center sa Que­zon City nang ma-confine dito kamaka­lawa ng gabi sina Pa­ngulong Gloria Maca­pagal Arroyo at First Gentleman Mike Arroyo para sa kanilang executive check-up.

Nakapalibot ang pre­sidential guards sa na­turang pagamutan ha­bang matamang na­ka­bantay din ang mga   K-9 team guard sa lobby ng pagamutan habang naroon ang mag asawa.

Pumasok sa ospital ang mag-asawa nitong Biyernes para sa executive check-up pag­ka­­ga­ling sa ibang bansa.

Sinabi naman ni Dr. Antonio S. Sibulo Jr., director ng SLMC’ Heart Institute at cardiologist ni Ginoong Arroyo, na ang mag asawa ay mag­damag lamang sa pa­gamutan para sa kaukulang check-up. (Angie dela Cruz)

Show comments