Coast Guard inalerto sa sympathy strike

Inalerto na rin ng Philippine Coast Guard ang kanilang puwersa dahil sa posibleng “sympathy attacks” ng mga teroristang grupo mata­pos ang madu­ gong pag-atake ng mga ito sa Mumbai, India.

Ito ay matapos na mag­palabas ng kautu­san si Coast Guard commandant Vice Admiral Wilfredo Tamayo bagamat wala pa uma­nong intelligence information na mayroong pagbabantang aatake ang anumang grupo ng tero­rista sa bansa.

Nilinaw ni Tamayo na walang dapat ipa­ngamba ang mga pasa­hero sa pag­sakay sa mga sasak­yang panda­gat dahil ma­higpit ang kanilang pagba­bantay sa seguridad ng mga pasahero.

Kabilang sa seguri­dad ang paglalagay ng K-9 units upang mapa­ig­ting pa ang pagpa­patrulya at visibility operations sa mga seaports at mga terminal.

Tiniyak kahapon ng Malacañang na nasa lig­tas na kalagayan ang mga Pilipino na naipit sa kagu­luhan sa Mumbai, India at Bangkok, Thailand.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Anthony Golez na hindi pina­babayaan ng gobyerno ang mga Pili­pino na naipit sa kagu­luhan sa India at Thailand at inaasikaso na ang mabilis nilang pag-uwi sa bansa. (Gemma Amargo Garcia at Rudy Andal)

Show comments