Inirekomenda sa Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong “syndicated estafa” sa walong dating opisyal at miyembro ng board of director ng Batangas II Electric Cooperative (BATELEC II) bunsod umano ng maanomalyang pagpasok sa dalawang kontrata na nagkakahalaga ng P81.1-milyon, apat na taon na ang nakalilipas, na naglagay sa kooberatiba sa matinding pagkalugi.
Sa rekomendasyon nina Batangas Prosecutors Florencio dela Cruz at Nolibien Quiambao sa DOJ, sinabing may sapat na ebidensiya para ma-diin sa kaso sina Reynaldo Panaligan at mga da-ting kasama nito sa board ng BATELEC na sina Cipriano Roxas, Jose Rizal Remo, Tita Matulin, Isagani Casalme, Cesario Gutierrez, Celso Landi-cho at Eduardo Tagle.
Ayon sa rekord, ginamit umano ng mga akusado ang kanilang impluwensiya bilang mga miyembro ng board at minanipula umano ang pag-award sa dalawang proyekto ng BATELEC sa dalawang kontratista na hindi dumaan sa bidding.