Ill-gotten wealth ng mga Marcos ibayad na lang daw sa utang ng Pinas
Nakiusap kahapon kay Pangulong Arroyo ang grupo ng mga retired gene-rals na gastusin na la-mang laban sa krisis pang ekonomiya ang multi-billion dollar deposits na na-sequestered ng gobyerno sa pamilya Marcos.
Sa liham kay Justice Secretary Raul Gonzalez nina retired generals Angel Sadang at Eduardo Orpilla ng Ge-nerals for the Constitution (GENCON) at Guardians Forces Brotherhood Against Crime Internatio nal, hiniling ng mga ito na alisin ang sequestration sa bilyong dolyar na itinuturing na ill-gotten wealth ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Bukod dito, sapat na rin umano ang naturang kayamanan upang maba yaran ng gobyerno ang trilyones na utang panlabas gayundin ang iba pang domestic debt at mapondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng gobyerno
Mabisa rin umanong solusyon ang Marcos money sa lumalalang problema sa kahirapan na nagiging dahilan ng insureksiyon at maging ng terorismo.
Nagpahayag ng paniniwala ang mga heneral na may kakayanan ang liderato ni Pangulong Arroyo na kumilos upang magamit ang nasabing ill-gotten wealth sa pangangailangan ng sambayanang Filipino. (Gemma Garcia)
- Latest
- Trending