^

Bansa

Terror alert!

- Ni Joy Cantos, Butch Quejada, Ellen Fernando, Mer Layson At Rudy Andal -

Nasa full alert status na ang Philippine National Police (PNP) upang pigi­ lan ang posibleng pagha­hasik ng terorismo sa ban­sa kasunod ng pag-atake at panghohostage ng mga terorista sa Mumbai, India at ang takeover ng anti-government troops sa Bangkok Airport, Thailand na ikinasugat naman ng 11 katao doon.

Isang Pinoy ang sina­sa­bing kabilang sa 314 sugatan sa India habang dalawa pa at kanilang mga misis ang inilikas. Gina­ gamot na sa di tinukoy na pagamutan ang Pinoy na sugatan.

Sa report, nilusob at pi­naulanan ng bala ng mga armadong lalaki ang mga malalaking hotels, kilalang restaurant at dalawang train stations sa tinagu­ri­ang financial capital sa Mumbai.

Nagbunsod ito ng pa­litan ng putok sa pagitan ng pulisya at terorista sa dalawang sinalakay na hotel na nag-iwan ng da­ang patay habang gina­wang hostage ang ibang naka-check-in na foreigners at ang iba ay na-trap sa ka­ gu­luhan.

Inako naman ng gru­pong Deccan Mujahideen ang nasabing pagsalakay sa email na ipinadala nila. Ayon sa grupo, palalayain lamang nila ang kanilang mga bihag kung pakaka­walan ang lahat na naka­kulong na mujahideen sa India.

Nabatid sa DFA na 520 Pinoy ang kasaluku­yang nasa India at lima lamang dito ang nasa Mumbai.

Samantala, sinabi ni PNP Chief Director Gene­ ral Jesus Verzosa na pa­tu­loy ang kanilang intelligence monitoring laban sa mga naitayong ‘ terrorist cell’ ng mga teroristang grupo kabilang na ang sa Metro Manila, dahil na rin sa natanggap na intelligence report ng PNP na magsasagawa ng pam­bo­bomba sa mga 5-star hotels at mga kilalang malls sa Makati City ang mga teroristang grupo.

Bantay-sarado nga­yon ng PNP ang MRT, LRT, malls, mga 5-star hotels, gayundin inilagay na sa red alert status ang NAIA Terminal 1, 2 at 3 at Manila Domestic Airport.

Bunga naman ng ka­ gu­luhan sa Bangkok airport, umaabot na sa 298 international flights ang nakansela at naapek­tu­han ang mga biyahe ng Philip­ pine Airlines at Cebu Pacific Airlines sa Pilipi­nas.

Ang grupong People’s Alliance for Democracy ang may kontrol ngayon sa Bangkok airport at hu­mihiling na bumaba na sa puwesto si Thailand Prime Minister Somchai Wong­ sa­wat.

Inaakusahan si Wong­sawat ng mga protesters na ‘tuta’ ng tinagurian ni­lang pugante at pinatalsik na si dating Prime Minister Thaksin Shinawatra.

Nakiramay naman ang Malacañang sa mga bik­tima ng terrorist attack sa India.

“The entire Filipino nation and Filipino around the world mourn with the families of those who died and were hurt because     of the Mumbai attacks,” wika ni Deputy Presiden- tial Spokesman Anthony Golez.

“We condemn these terrorist attacks against mankind and we will be united with the entire Indian nation and the rest of the world in its quest to end terrorism the soonest possible time,” sabi pa ni Golez.

BANGKOK AIRPORT

CEBU PACIFIC AIRLINES

CHIEF DIRECTOR GENE

DECCAN MUJAHIDEEN

DEPUTY PRESIDEN

ISANG PINOY

MUMBAI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with