Vintage bomb aalisin sa NBI
Dahil sa panganib na sumabog sa tanggapan ng National Bureau of Investigation ang nahukay na 800 pound vintage bomb, nakatakda itong ilipat sa Camp O’Donnel sa Capas, Tarlac.
Sinabi ni NBI-Anti-Terrorism Division chief, Atty. Romeo Asis, ang bomba ay nahukay ng mga construction worker sa San Mateo, Rizal noong Nob. 1, 2008 at ibinunyag lamang sa NBI noong Nob. 19, ng hindi nagpakilalang residente.
Ang bomba na may kapasidad na makagawa umano ng butas (crater) na may laking 500 square meters sakaling sumabog ay halos 800 pounds ang bigat dahil sa 300 pounds na bigat ng 3 racket na nakakabit dito habang 500 pounds lamang ang mismong bomba.
Hindi pa umano matukoy ng EOD kung anong uri ang vintage bomb na pinaniniwalaang inihulog ng mga sundalong Hapon noong 1942 Japanese occupation na hindi sumabog, bagamat high-tech na umano ito dahil racket-assited, na ngayon lamang umano sila nakakita ng ganoong uri. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending