Binigyan ng welcome party ni dating Senate President Manny Villar ang 30 overseas Filipino worker (OFW) na pawang minaltrato sa Abu Dhabi at ngayo’y nakauwi ng bansa.
Sinagot ni Villar ang kanilang pamasahe sa eroplano at inasikaso ang kanilang pag-uwi. Mismong si Villar ang sumalubong sa kanila sa paliparan kasama ang mga kamag-anak ng mga nakauwing OFWs.
Para sa nalalapit na kaarawan ni Villar sa Disyembre 13 at sa papasok na Kapaskuhan, binigyan pa ni Villar ang mga napauwi niyang OFWs ng masaganang tanghalian sa isang native restaurant sa Roxas Boulevard. Tumanggap din sila ng mga regalo sa Senador, na nagbigay pa ng mga raffle prize.
Ang Senador, na nakakuha kamakailan ng pinakamataas na satisfaction rating sa hanay ng mga lider ng pamahalaan, ang suma got sa transportasyon ng naturang 30 OFWs at sa kanilang pamilya pabalik sa kani-kanilang probinsya.
Boluntaryong binabalikat ni Villar ang gastos sa paglilikas ng OFWs na nagipit at nagkasakit hindi lang sa Abu Dhabi kundi maging sa Jordan, Bahrain at iba pang bansa sa Gitnang Silangan.
Nagbigay din si Villar ng tulong-pangkabuhayan sa mga karapat-dapat na OFWs upang makabangon ang mga ito mula sa masaklap na sinapit sa ibang bansa.
Ang 30 OFWs ay sina: Ma. Cristina Eti, Verlie Castillo, Elma Pugao, Joy Estacio, Maricar Ermita, Mary Grace Borja, Haquir Dudin, Aida Bayan, Salumbai Abdul, Aleli Campo, Ginaria Pakil, Irene Pangon, Maricel Patigayon, Maribeth Salangsang, Aloha Gumanay, Analyn Sarac, Leonor Ellacer, Mary Ann Bonzato, Marigel Dionela, Liza Plotado, Esmeralda Ugcal, Laila Talipasan, Lilibeth Biado, Agnes Aguilar, Nancy Sipin, Marites Abogado, Maricris Castillo, Lynfe Pesales, Sunshine Pineda at Vilma Paat. (Ellen Fernando)