Makakabalik na sa bansa ang dalawang Pinoy seamen na kasamang nabihag ng mga pirata sa Somalia sa loob ng mahigit 60 araw.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Claro Cristobal, inaasahang makakauwi sa bansa kagabi sina 3rd Engineer Ernesto Cuartero, 58, ng Las Piñas City at 1st Engineer Israel Lumpas, 28, ng Tacloban City.
Sina Cuartero at Lumpas ay kabilang sa 22 tripulante na lulan ng Japan owned at Indian-operated cargo ship na M/T Stolt Valor na na-hijacked ng mga pirata noong Setyembre 15.
Napalaya lamang ang mga ito noong Nobyembre 16. (Mer Layson)