Kaso ni Nani ibinasura

Dinismis kahapon ng Sandiganbayan ang isa sa mga graft complaints la­ ban kay dating Department of Justice Secretary Hernando “Nani” Perez.

Ayon kay Atty. Renato Bocar, tagapagsalita ng first division ng Sandigan­bayan, inilabas ng huku­man ang limang pahinang percurial resolution na nagbabasura sa kaso la­ban kay Perez dahilan na rin sa kawalan ng isa sa elemento ng tinatawag na “monetary consideration.

Ang kaso ay may kina­laman sa umanoy pangi­ngikil at pagtanggap ni Pe­rez ng $2 Milyon mula kay dating Manila Congressman Mark Jimenez upang hindi na umano nito i-pressure ang kongresista na pumirma ng mga affidavit na nagdadawit kay dating Pangulong Joseph Estra­da sa kasong plunder case. (Angie dela Cruz)

Show comments