^

Bansa

Huwes sinopla ng SC

-

Sinopla ng Korte Suprema ang isang hukom na makailang ulit na umaapela sa desisyong kumatig sa mga pulis na inakusahang hindi umak­siyon kaugnay sa kasong kinasasangkutan ng kani­yang katulong, na inaku­sahang nagnakaw.

Hindi pinakinggan ng SC 1st Division ang kahili­ngan ni Judge Adoracion G. Angeles at sa halip ay pinaliwanagan ito na wala siyang legal personality na mag-apela.

Dahil dito, tuluyan nang makababalik sa serbisyo at makatatanggap ng back wages at iba pang bene­pisyo sina P/Insp. John A. Mamauag, SPO2 Eugene Almario, SPO4 Erlinda Garcia at SPO1 Vivian Felipe,

Kaugnay ito sa inihaing petition for review ni Judge Angeles na kumukuwes­tiyon sa hatol ng CA noong Set­yembre 6, 2001 at ka­utu­san ni dating PNP Chief Recaredo Sarmiento II (PNP Chief) noong 1997 at ang Marso at Hunyo 30, 2000 resolution ng National Appellate Board (NAB) ng Napolcom.

Ang mga nasabing pulis ang humawak sa rekla­mong qualified theft laban sa mga katulong ni Angeles sa Baler Police Station 2, Central Police District Command.

Dahil sa hindi umano pagrehistro sa logbook o police blotter ng mga nina­kaw na alahas at mga damit ng mga katulong at hindi pagsasagawa ng kaukulang imbestigas­ yon, naghain ng kasong admi­nis­tratibo si Angeles laban sa mga nasabing pulis upang masibak sa serbisyo.

Nang ibasura ng legal affairs ang reklamo ni Angeles ay inakyat naman ng huli sa PNP chief na nag­de­­sisyong guilty ang mga pulis at sinibak habang sina SPO1 Felipe at SPO4 Garcia ay naabswelto.

Hindi umano nasiya­han si Angeles at iginiit na hindi mapawalang-sala sina Felipe at Garcia na hindi na pinaboran ng PNP kaya sa QCRTC naman ito nag­sampa ng petisyon laban kay PNP chief Sarmiento.

Subalit nilinaw ng CA na walang legal personality ang isang pribadong complainant, tulad ni Angeles, na iapela ang desisyon ng NAB at Napolcom, na isang disciplining authority. (Ludy Bermudo)

ANGELES

BALER POLICE STATION

CENTRAL POLICE DISTRICT COMMAND

CHIEF RECAREDO SARMIENTO

DAHIL

ERLINDA GARCIA

EUGENE ALMARIO

FELIPE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with