20-M mawawalan ng trabaho
Tiyak umanong tatamaan ang Pilipinong manggagawa sa tinatayang 20-milyong mawawalan ng trabaho sa buong mundo.
Sa pahayag ng Migrante sa Tinapayan sa Dapitan, Sampaloc, ang datos ay nagmula sa inisyung ulat ng International Labor Organization (ILO) noong Oktubre.
Ani Garry Martinez ng Migrante, masasapul dito ang mga OFW na pang-apat sa may pinakamalaking work force na nagtatrabaho sa iba’t-ibang panig ng mundo. Nangunguna dito ang India, China at ikatlo ang Mexico.
Sa oras na magsi-uwian sa Pilipinas ang mga OFW ay apektado rin ang remittance na inaasahan ng bansa na sumasalba umano sa ekonomiya ng Pilipinas.
Ang P14-bilyong remittance kada taon ng OFWs ang pag-asa umano ng bansa sa pagbabayad ng utang sa labas at gamit na collateral para sa tuluyang pag-utang.
Malayo umano ang halaga ng remittance ng OFWs kumpara sa P2-bilyon na nakokolekta mula sa foreign investments.
- Latest
- Trending