Senate spouses nag-ninang sa mga batang lansangan
Isang buwan bago mag-Pasko, inunahan na ng Senate spouses si Santa Claus sa pamimigay ng regalo at saya sa mga batang inabandona ng kanilang mga pamilya.
Ito ay sa pamamagitan ng proyektong Christmas in November ng Senate Spouses Foundation Inc, (SSFI) na pinamunuan ni Las Piñas Congw. Cynthia Villar at ng SM Megamall sa pangunguna naman ni Ms. Tessie Sy-Coson.
Inilunsad noong 2000, ang Christmas in November ay isa sa mga pangunahing proyekto ng SSFI para sa mga bata. Layunin nito na mapasaya at maipadama sa mga batang ulila at inabandona ang diwa ng Pasko sa buwan ng Nobyembre.
Sa taong ito, 60 bata na kinakalinga ng Tahanang Mapagpala Foundation sa Caloocan ang pinasaya ni Villar at ng Senate spouses sa isang araw ng pamamasyal sa SM Megamall.
Anim na bata ang naging ‘alaga’ ng bawat se nate spouse. Ipinamili nina Villar, Audrey Zubiri, Lani Cayetano, Monchit Biazon, Kate Gordon, Bing Pimentel, Precy Estrada, Arlene Trillanes, Mrs. Fernan at Andrea Bautista-Yñares ang kanilang mga kasamang bata ng bagong damit, sapatos, laruan, bag at iba pang kagamitan.
- Latest
- Trending