Erap nakiramay kay Ping

Personal na nakiramay si dating Pangulong Joseph Estrada kay Sen. Panfilo Lacson noong Huwebes ng gabi nang magtungo ang una sa burol ng ama ng senador na si Buenaventura ‘Tura’ Lacson, 94.

Dahil sa pagdalaw ng dating Pangulo, nawala ang mga espekulasyon na may tampuhan pa rin sa pagitan ng dalawa na nagsimula nang tumak­bong presidente si Lacson noong 2004 kahit sinupor­tahan na ni Estrada ang kanyang matalik na kaibi­gan na si Fernando Poe Jr.

Ayon sa source, big­lang dumating si Estrada sa burol dakong alas-12 ng madaling araw at namalagi ito ng halos isang oras sa Funeral Homes sa Bayang Luma, Imus, Cavite.

Matatandaan na dala­wang linggo na ang naka­raan ay naunang puma­naw ang ina ni Lacson na si Maxima kung saan hindi personal na nakapagpa-abot ng pakikiramay si Estrada. (Malou Escudero)

Show comments