^

Bansa

2 Dacer killers timbog sa US!

- Nina Gemma Amargo-Garcia At Joy Cantos -

Naaresto na sa Ame­rika ang dalawang dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na sinasabing sangkot sa pagpatay sa PR man na si Salvador “Buddy” Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, si dating Col. Cesar Man­cao II ay nakapiit sa Florida, habang si Glenn Dumlao ay nakakulong sa New York.

Sinabi ng Kalihim na ang Department of Justice (DOJ) ang siyang gu­ mawa ng extradition request sa US DOJ at ina­prubahan naman ito kaya noong Huwebes ng gabi sa Ame­rika saman­talang Biyernes naman ng umaga dito sa Pilipi­nas, ay inaresto ang dalawa.

Sina Mancao at Dum­lao ay mga dating opisyal ng binuwag na Presidential Anti Organized Crime Task Force (PAOCTF) at kapwa isinasangkot sa kontrobersyal na Dacer-Corbito murder case noong Nobyembre 2000.

Ang PAOCTF ay dating­ pinamumunuan ni Sen. Panfilo Lacson na naging hepe ng PNP no­ong pa­nahon ng termino ni dating Pangulong Estrada.

Natagpuan ang To­yota Revo na pag-aari ni Dacer sa isang bakan­teng lote sa Indang, Cavite ilang araw mata­pos itong mawala at ang kanyang driver.

Hindi naman masi­guro ng Kalihim kung iuuwi sa Pilipinas ang dalawa dahil maari na­man umanong gamitin ng dalawa ang kanilang legal rights tulad ng pag­tanggi na magpa­uwi.

Nilinaw naman nito na maaring i-deport sina Man­cao at Dumlao sa bansa kung wala silang nakabin­bing kaso sa Amerika.

Sa sandaling maipa­deport na dito sa bansa ang dalawang opisyal ay kaagad umanong itu-turn over ang mga ito sa PNP.

vuukle comment

CESAR MAN

DACER

DEPARTMENT OF JUSTICE

EMMANUEL CORBITO

GLENN DUMLAO

JUSTICE SECRETARY RAUL GONZALEZ

KALIHIM

NEW YORK

PANFILO LACSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with