FEMFI tuloy sa pagbibigay serbisyo

Binasag na kahapon ang pananahimik ng pa­mu­nuan ng Far East Maritime Foundation, Inc. (FEMFI), ang pinakama­laking training center sa bansa, hinggil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon sa publiko at nagbantang idedemanda ang mga taong nasa likod ng paninira laban sa kanila.

Ayon kay Atty. Antonio Z. Carpio Jr., nananatiling bukas ang FEMFI at pa­tuloy na nagbibigay ng de-kalidad at mahusay na serbisyo at pagsasanay sa lahat ng marino at wala umanong katotohanan na magsasara na ito.

Sinabi ni Atty. Carpio, naubos na ang pasensiya at pagbibigay-puwang ng FEMFI sa mga malisyo­song pagpapakalat ng impormasyon ng PNTC Colleges sa industriya ng maritime at sa publiko kaya iniuumang na nila ang mga kaukulang kaso upang mapanagot sa batas ang may sala.

Aniya, ang naging de­sisyon ni Executive Secretary Eduardo Ermita ay isang malaking kabalig­taran sa mga naunang desisyon sa parehong kaso ng Maritime Training Council at ng Department of Labor and Employment na pawang ibinasura ang reklamo ng PNTC Colleges dahil wala silang nakitang merito.

Show comments