Pinaalalahanan kamakailan ni Pangulong Arroyo ang Department of Education na dapat tiyaking ligtas sa panahon ng kalamidad ang mga mag-aaral at empleyado ng mga pampublikong paaralan
Idiniin ng Punong Ehekutibo na dapat matatag din sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo at lindol ang mga gusaling pampaaralan.
Kaugnay nito, nagtulungan ang DepEd at ang United Children’s Emergency Fund sa pagpapatayo ng ideal at ligtas na eskuwelahan.
Ipinahiwatig ng kalihim na ang modelong gusali ay bubuuin ng konkreto at bakal para ito maging matibay. Ang bubungan ay susuportahan ng concrete beam para makatagal sa anumang pressure.
Ang sahig ay iaangat nang isang metro mula sa lupa para maiiwas sa tubig-baha ang mga libro at silya. (Rudy Andal)