^

Bansa

Kandidato sa pagka-SC justice may tsansa kahit may kaso

-

Malaki pa rin ang tsan­sa na mapabilang sa lis­tahan ng pagpipilian ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa magiging Supreme Court (SC) Justice ang mga kandidato na mayroong nakabinbin na mga kaso.

Ayon kay SC Chief Justice Reynato Puno, pag-uusapan ng JBC kung alin sa mga nakabinbin na kaso ng mga kandidato ang maaring palampasin na lamang at hayaan muna ang mga kandidato na manatili sa listahan.

Iginiit ni Puno na may­roon mga reklamong ini­hain laban sa mga opisyal na wala pang batayan o probable cause at may­roon din na reklamo na isinasampa para lamang i-harass ang isang opisyal.

Matatandaan na tatlo sa 14 na kandidato na posibleng pumalit kay SC Associate Justice Ruben Reyes na magreretiro sa Enero 2009 ay may kina­kaharap na mga kaso.

Kabilang dito si Solicitor General Agnes Deva­na­dera na may kasong plunder sa Ombudsman, si dating Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Mario Bunag na mayroon din na nakabinbin na kaso sa Ombudsman at si Court of Appeals (CA) Associate Justice Juan Enriquez Jr. na kasalu­kuyang iniim­ bistigahan ng CA dahil sa kasong admi­nistratibo. (Gemma Amargo-Garcia)

ASSOCIATE JUSTICE JUAN ENRIQUEZ JR.

ASSOCIATE JUSTICE RUBEN REYES

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE REYNATO PUNO

COMMISSIONER MARIO BUNAG

COURT OF APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

SHY

SOLICITOR GENERAL AGNES DEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with