^

Bansa

Komite na babalangkas sa rules ng bagong visa, binuo

-

Bumuo si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan ng isang special committee na magbabalangkas sa implementing rules and regulations (IRRs) para sa presidential executive order na magbibigay ng indefinite visa sa mga dayu­hang negosyante na ku­kuha ng 10 o higit pang Pilipinong trabahador.

Binigyan ni Libanan ang five-man committee na pinamumunuan ni Atty. Ronaldo Ledesma, executive chair ng BI board of special inquiry, ng 10 araw upang tapusin ang draft ng IRR para sa Executive Order 758, na lumikha sa Special Visa for Employment Generation (SVEG).

Hinirang ni Libanan si BI technical staff chief Manuel Ferdinand Arbas bilang vice-chair ng komite kasa­ ma ang tatlong legal officers ng BI bilang miyembro.

Inatasan ni Libanan ang mga miyembro ng komite na kumonsulta sa ibang government agencies at iba’t ibang foreign chambers at consulates para sa kanilang komento at panukala para sa rules na sasaklaw sa pagpapa­tupad ng bagong visa.

Pinirmahan ng Pangu­lo noong Lunes ang executive order na magta­takda ng guidelines para sa pagbibigay ng SVEG.

Idinagdag pa ni Liba­nan na handang-handa na ang BI na tulungan si Pa­ngulong Arroyo na maabot ang hangarin nito na gawing paboritong desti­nasyon ng foreign investments ang Pilipinas sa harap ng nararanasang problemang pampinan­siyal ng ilang bansa.

Ang mga dayuhan na bibigyan ng nasabing visa ay ituturing na special non-immigrants na may multiple entry privileges at conditional extended stay, nang hindi na kailangan pa ng paunang pag-alis sa Pilipinas. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

EMPLOYMENT GENERATION

EXECUTIVE ORDER

LIBANAN

MANUEL FERDINAND ARBAS

PILIPINAS

RONALDO LEDESMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with