Pinoy sekyu patay sa Saipan
Patay ang isang Pinoy security guard matapos na umano’y bugbugin ng mga hinihinalang magnanakaw na nanloob sa kanyang binabantayang paaralan sa Saipan, noong Martes ng umaga.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA), kinilala ang nasawi na si Efren Ballesteros, empleyado ng Global Security Agency at nakatalaga sa Marianas High School, na itinuturing na pinakamalaking paaralan sa Saipan.
Lumilitaw na night-duty guard sa naturang paaralan si Ballesteros na natagpuang nakahandusay at wala ng buhay sa hallway na malapit sa entrada ng school campus. (Mer Layson)
- Latest
- Trending