Villar nahawa kay Erap sa numero 13?

Mistulang naulit ang kasaysaysan ni dating Pangulong Joseph Estrada (Jose Marcelo Ejercito sa totoong buhay) sa numero ‘13’ kay dating Senate President Manny Villar.

Kilala si Estrada na ‘umiiwas’ sa numero 13 ba­gaman at siya ang ika-13 presidente ng Pilipinas. Si Villar naman ay ipinanga­nak noong Dis. 13, 1949.

Hindi natapos ni Estra­da ang kanyang termino bilang pangulo matapos ma-impeached noong Nov. 13, 2000 ng House of Representatives.

At kung si Erap ang ika-13 presidente, naupo na­mang Senate President ng Senado si Villar noong 13th Congress, taong 2006.

Sa panayam kay Sen. Jinggoy Estrada, inamin nito na siya ang ika-13 se­nador na lumagda sa resolution no. 13 na kumikilala na kay Sen. Juan Ponce Enrile bilang bagong Senate President at 13 senador ang lumagda sa nasabing resolusyon.

Noong nag-resign si Sen. Aquilino Pi­men­tel Jr. bilang Senate president noong 2000, na sinabayan ng walkout ng mga congressmen na tu­matayong prosecutor sa impeachment court, naba­sag ang sa­lamin ng pintuan ng Senado.

Nito lang Nob. 13, 2008, kung saan humarap si dating Agriculture under­ secretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante sa imbestigasyon ng mga senador ay naba­sag din ang salamin ng pintuan ng Senado, ilang araw bago ma-kudeta si Villar. (Malou Escudero)

Show comments