^

Bansa

Razon, itinuro sa Moscow trip

-

Ikinanta ng isang ma­taas na opisyal ng Philippine National Police na kabilang sa tinagurian “Euro Generals’ na si dating PNP Chief Avelino Razon ang nag-aproba para payagan ang PNP delegation na magpunta sa Interpol Conference sa St. Peterburgs, Russia.

Sa isinagawang pagdi­nig ng House Committee on Public Order and Safety kahapon kaugnay sa nang­yaring iskandalo sa Russia na kinasa­sangkutan ng mga top brass officials ng PNP, sinabi ni PMP Director for Plans Gen. Romeo Ri­cardo na walang kinala­man sa pagpaaproba ng mga official ng PNP sa Moscow si Verzosa dahil si Razon pa ang PNP Chief noon isang taon.

Gayunman, inamin ni Ricardo na siya ang nag­rekomenda ng mga pa­ngalan ng pulisya na sa­sama sa Interpol Conference na inaprobahan na­man ni Razon.

Sa naturang hearing, hiniling ni Paranaque Rep. Roilo Golez sa mga mam­babatas na huwag tawa­ging ‘Euro Generals’ ang mga inaakusahan opisyal ng PNP na nagsipunta sa Russia dahil nakakababa umano ito ng kanilang dig­nidad at nasisira ang imahe ng kapulisan.

Iniutos ng pamunuan ng PNP na bayaran ni dela Paz ang P6.9 million na sinita ng Russian  authorities sa Moscow airport kung hindi na ito ma­ibabalik ng Russian government sa Pilipinas.

Gayunman, nakahan­da si dela Paz na bayaran ang nasabing halaga pero ito aniya ay hindi niya mababayaran ng biglaan dahil ang kanyang retirement pay sa PNP ay may P2.6 million. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

CHIEF AVELINO RAZON

EURO GENERALS

GAYUNMAN

HOUSE COMMITTEE

INTERPOL CONFERENCE

PARANAQUE REP

PNP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with