Sinuportahan ni Senadora Pia Cayetano ang mga hak bangin ng mga private emission test program advocates para sa pagtataguyod sa Clean Air Act ng pamahalaan.Ito’y sa pamamagitan ng pagkakapit-bisig ng mga nabanggit at sama-samang tutulan ang plano ng Land Transportation Office (LTO) na alisin ang private emission test center (Petc) sa pagsusuri ng usok ng mga sasakyan para ipalit na lamang dito ang Motor Vehicle Inspection Service ng ahensiya.
Sa kanyang sulat sa Private Emission Test Program Stakeholders, kinilala ni Cayetano ang pangunahing papel ng mga stakeholders sa pagtataguyod na maging matagumpay ang implementasyon ng Clean Air Act.
“It is thus crucial that you take a united stand to advance your stance consequent to the plans of the Land Transportation Office to institute the Motor Vehicle Inspection System (MVIS),” ayon kay Cayetano, Co-chairperson ng Joint Congressional Oversight Committee on the Philippine Clean Air Act of 1999.
Sa isang Senate hearing kamakailan, ang mga PETC stakeholders sa pangunguna ni Petcoa President Tony Halili ay nagsabing dapat na ibigay na lamang ang trabaho ng pagsuri ng usok ng mga pribadong sasakyan sa mga private emission test centers habang ang regulasyon sa mga PETC at ang mga nahuling mauusok na sasakyan na lamang ang dapat sumailalim sa pagsusuri sa MVIS ng LTO. (Angie dela Cruz)