Bawal mag-ninong at ninang sa binyag ang 18 anyos pababa
Pinaalala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na mayroong “age limit” na ipinatutupad ang Simbahang Katoliko para sa mga kinukuhang Ninong at Ninang sa binyag.
Ayon kay Cruz, ang nasabing polisya ay ipinatutupad sa Central Pangasinan, kung saan pinagbabawalan ang mga nasa edad 18 pababa na mag-ninong o ninang sa bin yag.
Malinaw aniya ang na kasaad sa batas ng Simbahan na tanging ang mga adult lamang ang maaring kuning ninong at ninang. Hindi aniya kasi magagawa ang obligasyon bilang ninong at ninang para sa bata kung wala pa sa tamang edad.
Umaasa naman si Cruz na striklto ring maipatupad ang nasabing polisya sa iba pang Simbahan.
Tradisyon na tuwing kapaskuhan para sa mga ninong at ninang ang magbigay ng aginaldo sa kanilang mga inaanak. Pero ayon kay Cruz, maliban sa pagbibigay ng aginaldo, may responsibilidad pa ang mga ninong at ninang bilang ikalawang magulang ng mga bata. (Doris Franche)
- Latest
- Trending