Tindahan ng paputok bubusisiin
Magsasagawa ng malawakang inspeksyon sa mga paga waan at tindahan ng paputok ang Bureau of Fire Protection upang mailayo sa kapahamakan dulot ng sunog ang publiko ngayong nalalapit na selebrasyon ng Kapaskuhan at Bagong Taon.
Ito ang kauna-unahang ipapatupad na aksyon ng bagong upong “officer-in-charge” ng BFP na si Chief Supt. Rolando Bandilla Jr. matapos na manumpa ito sa puwesto kahapon ng umaga kapalit ni dating Director Enrique Linsangan.
Sinabi ni Bandilla na susuyurin nila ang lahat ng pabrika at kahit mga maliliit na pagawaan ng paputok partikular na sa Bulacan kung saan taun-taong hindi naiiwasan na magka roon ng insidente ng sunog dulot ng mga paputok.
Lilibutin rin ng mga inspector ng BFP ang mga palengke at maging mga shopping malls lalo na sa Divisoria na nagtitinda ng mga paputok galing sa Tsina. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending