Nauwi sa trahedya ang isang masayang gimik matapos na tatlong overseas Filipino worker ang nasawi habang malubhang nasugatan ang isa pa matapos bumangga sa isang poste ang kanilang sinasakyang kotse habang sila ay papauwi sa Saipan ka makalawa ng madaling araw.
Batay sa ulat na nakarating sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs, kabilang sa mga na sawi sina Haidee Garcia at Rose Ann Bautista, kapwa waitress sa isang bar at si Ronald Carreon, 35, na nagtatrabaho bilang computer technician.
Nasugatan din sa aksidente ang Pinoy guitarist na si Joel Tagalikud, 30, na idi neklara na umano ng mga doctor na ligtas na mula sa panganib.
Naganap ang aksidente dakong alas-2:00 ng mada ling araw noong Linggo habang nagbibiyahe ang mga biktima pauwi matapos na gumimik sa Club V.
Minamaneho ni Garcia ang asul na kotseng Ford at katabi nito sa unahang bahagi ng sasakyan si Carreon habang nakapuwesto naman sa likuran sina Tagalikud at Bautista nang sumalpok ang kotse sa isang poste ng telepono pagsapit ng mga ito sa isang intersection malapit sa Saipan World Resort at Joeten-Kiyu Public Library. (Mer Layson)