Presyo ng tinapay ibinaba
Bababa simula ngayong Martes ang presyo ng tinapay sa lokal na pamilihan. Ayon kay Simplicio Umali Jr., pangulo ng Philippine Baking Industry Group, may 50 sentimos ang itinapyas nila sa halaga ng loaf bread samantalang 25 sentimos naman ang ibinaba sa halaga ng kada-sampung piraso ng pandesal.
Sinabi pa ni Umali na, bukod sa pagbaba ng presyo ng harina, malaking tulong din ang patuloy at sunud-sunod na pagbaba ng presyo ng Liquuified Petroleum Gas para mabawasan ang halaga ng tinapay. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending