^

Bansa

Ruling ng Ombudsman kay dela Paz sa susunod na buwan?

-

Malaki ang paniwala ng Ombudsman na ma­ipapalabas na sa Dis­yembre ng taong ito ang resolusyon sa kaso ni dating Philippine National Police Comptroler Eliseo dela Paz.

Sinabi kahapon ni Deputy Ombudsman Mark Jalandoni na ta­tapusin nila agad sa lalong madaling pana­hon ang imbestigasyon ni dela Paz at iba pa nitong kapwa delegado sa Interpol conference sa Moscow na nagdala ng P6.9 milyon palabas ng bansa. 

Aminado naman si Jalandoni na kasong graft at malversation of public funds ang maa­aring kaharapin ni dela Paz lalupat inamin nito ang pagkakasala sa pagpapalabas sa ilegal na pondo kasabay ng gi­nawang pagdinig ng Senado hinggil sa kon­tro­bersiyal na issue.

Idiniin niya na, kung mapapatunayan sa kor­te na may kasalanan si dela Paz hinggil dito, maaari itong mabilang­go ng 10 taon.

Hiniling kahapon ng Malacañang sa Senado na patunayan nito na karapat-dapat suspin­dihin ni Pangulong Glo­ria Macapagal-Arroyo sina PNP chief Jesus Verzosa at DILG Secretary Ronaldo Puno ka­ugnay sa eskandalong kinasangkutan ng “euro generals”.

Sinabi ni Press Secretary Jesus Dureza na walang kapangyarihan ang Senado na mag­sus­­pinde sa isang government o police officials.

Sinabi ni Dureza na anumang pahayag ni dela Paz na ayaw pani­walaan ng mga sena­ dor ay dapat na lamang nilang dalhin sa Ombudsman para sa ka­ukulang imbestigas­yon.

Tiniyak kahapon ng kampo ni dela Paz na hindi ito tatakas palabas ng bansa. Sinabi ni Atty. Noel Malaya, abogado ni dela Paz, na hindi tatakas ang kaniyang kliyente at handa itong harapin ang kasong ki­nasasangkutan. (Angie dela Cruz, Rudy Andal at Joy Cantos)

DELA

DEPUTY OMBUDSMAN MARK JALANDONI

JESUS VERZOSA

JOY CANTOS

NOEL MALAYA

PANGULONG GLO

PAZ

SENADO

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with