^

Bansa

Villar una sa survey

-

Lalong dumarami ang bilang ng mga Pilipino na naniniwalang si dating Senate President Manny Villar ang dapat na ihalal na pangulo ng Pilipinas sa 2010 elections, batay sa pinakabagong survey ng Pulse Asia.

Lumitaw sa survey ng Pulse Asia nitong Oktubre 14-27 na 17 porsyento ng 1,500 respondents ang pumili kay Villar na maging presidente sa 2010 polls. Mas mataas ito ng limang porsyento kumpara sa nakuha niyang 12 porsyento noong Hulyo.

Dahil dito, mula sa ikalimang puwesto noong Hulyo ay tumalon si Villar sa ikalawang pwesto sa ratings at makapantay ang 17 porsyento na nakuha ni dating Pangulong Joseph Estrada na tumaas ng isang porsyento noong Hunyo. Una pa rin sa listahan si Vice President Noli De Castro na may 18% ngunit apat na porsyento ang natapyas sa kanya kumpara sa 22% na nakuha niya noong nakaraang survey. Nasa ikatlong pwesto si Sen Francis Escudero na may 14 porsyento (umangat ng 1%), habang nabawasan ng isang porsyento si Sen Loren Legarda. Sumunod sa kanya sina Senator Panfilo Lacson (7%) at Manuel Roxas (6%).

Matatandaang maging sa survey ng Social Weather Station nitong Sept 24-27, habang kainitan ng usapin sa C-5 Road project, ay nakapagtala pa rin si Villar ng pinakamalaking pagtaas sa listahan ng presidentiables. Mula sa 25% sa rating ng SWS noong Hunyo ay umangat si Villar sa 28% para makuha ang ikalawang pwesto.

Isa pang survey na kinumisyon ng isang partido sa SWS ang nagpakita na pantay sa ikalawang pwesto sina Villar at Estrada na may tig-17 por­syento, kumpara sa nangungunang si De Castro na bumagsak sa 19% mula sa dating 28%. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

DE CASTRO

HULYO

HUNYO

MANUEL ROXAS

NOLI DE CASTRO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PORSYENTO

PULSE ASIA

SEN FRANCIS ESCUDERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with