Ban ng Pinoy workers sa Iraq tuloy pa rin
Tahasang sinabi ni Labor Secretary Marianito Roque na wala silang planong alisin ang ban sa pagpapadala ng mga Pinoy workers sa Iraq.
Ayon kay Roque, walang mangyayaring deployment ng mga manggaga wang Pinoy dahil kasalukuyan pa rin nilang pinag-aaralan ang security situation sa naturang bansa.
“I told them, ‘Wait a minute. We have to see if you can guarantee the security of our workers, before we consider allowing our workers to work in Iraq,’” ani Roque.
Napag-alaman na ang Iraq ay nangangailangan ng construction at oil workers, engineers, nurses, teachers at technicians.
Hiniling ng mga Iraqi officials sa Pilipinas na alisin na ang ban sa pagpapadala ng manggagawa bunga rin ng inaasahang pangangailangan sa mga konstruksiyon.
Matatandaan na ibinaba ang ban ng mga manggagawa sa Iraq noong Hulyo 2004 matapos ang pagdukot at ang tangkang pagpugot ng ulo sa Pinoy truck driver na si Angelo dela Cruz.
Napalaya lamang ito matapos nakipagkasundo si Pangulong Arroyo sa nais ng Iraq na alisin ang military contingent ng Pilipinas. Ang naturang desisyon ni Arroyo ay umani naman ng batikos mula sa Amerika at iba pang coalition allies. (Doris Franche)
- Latest
- Trending