^

Bansa

Imbestigasyon kay Jocjoc ipaubaya sa Ombudsman

-

Hiniling kahapon ng isang multi-sectoral federation ng 61 non-government organizations mula sa iba-ibang bahagi ng bansa sa Senado na itigil na nito ang pagsisiyasat sa umano’y fertilizer fund scam at ipaubaya na lamang ang anumang imbestigasyon sa Office of the Ombudsman.

Pinuna ng Balikatan People’s Alliance, na mayroong 75,000 miyembro, na walang naipakitang kahit na anong solido o di maikakailang ebidensiya ang Senate Blue Ribbon Committee laban kay dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante kaya’t dapat lamang na itigil agad ng mga ito ang pagwawaldas sa buwis ng Sambayanan at sa oras ng Senado.

Sinabi din ni Balikatan Chairman Louie Balbago na mismong si committee Chairman Sen. Alan Peter Cayetano ay inamin nang hindi naman trabaho ng komite na humusga at magsentensiya,

“Kaya’t nararapat lamang na ipaubaya na lamang nila ang lahat sa tunay na may kapangyarihan at tungkulin na magsiyasat ng mga ganitong klaseng usapin tulad ng Ombudsman.

“Mas maraming panukalang batas na nakabimbin pa sa Senado na mas kailangan ng ating mga kababayan,” ayon kay Balbago.

Binigyang-diin ni Balbago na tulad ng buong bansa, ang Balikatan ay para sa katotohanan.

Ngunit ang katotohanan anya ay dapat na pawang katotohanan lamang, hindi iyong personal na palagay o gustong marinig lamang ng nagsisiyasat ng usapin. (Butch Quejada)

ALAN PETER CAYETANO

BALBAGO

BALIKATAN

BALIKATAN CHAIRMAN LOUIE BALBAGO

BALIKATAN PEOPLE

BUTCH QUEJADA

CHAIRMAN SEN

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

SENADO

SENATE BLUE RIBBON COMMITTEE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with