^

Bansa

Close helmet 'wag construction helmet ang gamitin ng riders - LTO

-

Tinagubilinan ng Land Transportation Office (LTO) ang mga riders ng motorsiklo na gamitin lamang ang close helmet at huwag ang construction helmet gaya ng ginagawa ng ilang driver habang nasa kalsada.

Ayon kay LTO Chief Alberto Suansing, kailangang ma­ ging responsable ang bawat riders sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng pagsusuot ng tamang uri ng helmet para na rin mapangalagaan ang kanilang buhay.

Ang pahayag ay ginawa ni Suansing nang mapaulat na isang rider ang nabasag ang bungo nang maaksidente sa Maynila dahil hindi ito nakasuot ng tamang helmet habang nagmamaneho ng kanyang motorsiklo.

Ani Suansing, ang construction helmet ay para lamang sa construction site at hindi ito maaaring gamitin sa pag­sakay ng motorsiklo dahil hindi nito maiingatan ang buhay ng isang driver maging ang sakay nito. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

ANGIE

ANI SUANSING

AYON

CHIEF ALBERTO SUANSING

CRUZ

HELMET

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MAYNILA

SUANSING

TINAGUBILINAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with