Labis ang pagkalito ng mga nakabili ng ticket ng ABBA Live in Manila na gaganapin sa Nobyembre 21 sa Cultural Center of the Philippines at Nob. 22 sa World Trade Center dahil sa pahayag ng Ticketnet na isa sa mga ipi-feature ng konsiyerto ay ang original member nito na si Uffe Anderson, isang saxophone player na nasa ABBA ng san daling panahon.
Napag-alaman na ang ‘ABBA’ ay acronym (abbreviation) na binuo mula sa unang letra ng bawat pangalan ng sikat na orihinal na miyembro ng ABBA band.
Ang A ay para sa pangalang Agnetha Faltslog, B para sa Bjorn Ulvacus, B para sa Benny Anderson at A ni Anni-frid Lyngstad na mga original ABBA band members.
“If Uffe Anderson claimed by producers of “ABBA Concert in Manila” as one of the four original Abba then the band coming should be called ABBU or UBBA,” giit ng galit na Abba fan.
Sinabi naman ng Ticket net na bukas sila sa pagre-refund sa mga nakabili na ng ticket. (Ellen Fernando)