^

Bansa

Visa services ng BI pinuri ng British envoy

-

Umani ng papuri mula kay British Deputy Ambassador to the Philippines Colin Crorkin ang pinada­ling proseso ng mga tran­saksiyon sa Bureau of Immigration (BI).

Aniya, kuntento ang mga dayuhan, partikular ang mga Briton, sa mas mabilis na serbisyo ng BI kasabay ng pasasalamat kay BI Commissioner Mar­celino Libanan sa pagpa­patupad nito ng pagba­bago sa visa services ng ahensiya.

“It seems that customer satisfaction ratings are going up and revenue collection is going up, too, so we thank (Immigration) Commissioner Marcelino Liba­nan,” wika ni Crorkin sa regular na Warden’s Conference na inorganisa ng British embassy.

Si Libanan ay guest speaker sa Warden’s Conference na ginawa sa British embassy premises sa Taguig City kamakailan.

Hinikayat ni Crorkin ang mga British wardens na pagandahin ang ka­nilang immigration services sa pamamagitan ng pagrerekomenda ng pag­ba­bago na makatutugon sa pangangailangan ng British nationals na nasa Pilipinas.

Personal na tinanggap ni Libanan ang mga testi­monya ng ilang British wardens ukol sa kanilang ka­ranasan sa pakiki­ pagtran­saksiyon sa BI, at isa sa kanila ang naka­pansin sa malaking ka­bawasan sa oras ng paghihintay sa proseso ng exit permits, mula sa ilang araw patu­ngo sa kalaha­ting oras.

Tiniyak naman ni Liba­nan na marami pang pag­babago ang nakalinya upang pabilisin pa ang transaksyon sa BI. (Butch Quejada)

BRITISH DEPUTY AMBASSADOR

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER MAR

COMMISSIONER MARCELINO LIBA

CRORKIN

LIBANAN

PHILIPPINES COLIN CRORKIN

SHY

SI LIBANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with