Inatasan ni Pangulong Arroyo ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na panatilihin ang kanilang kampanya laban sa mga anti-illegal billboard operation upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa lahat ng oras.
Sa kautusang ito ng Pangulo, kailangan na ipatupad ng DPWH at ng iba pang law enforcement agencies ang kanilang kampanya para sa maayos na paggamit at pagpapatayo ng billboards kahit na may masagasaan pa.
Kamakailan ay binaklas ng DPWH ang mga billboard na illigal na itinayo malapit sa Camp Crame sa San Juan.
Pinangunahan nina National Building Code Development Office Executive Director Emmanuel Cuntapay, DPWH First Metro Manila District Engineer Roberto Nicolas at San Juan City Architect Romeo Gonzales ang pagbabaklas ng mga naglalakihang billboard katabi ng CATS-Mercedez Benz Building sa EDSA, East Greenhills, San Juan City.
Lumilitaw na nilabag ng J. Ramos Billboard Services ang pinapayagang size requirements ng mga billboards na may sukat na 40 ft.x 30 ft. at isang panganib sa mga motorista. (Doris Franche)