^

Bansa

Presyo ng tinapay bababa

-

Magro-rollback na rin sa presyo ng tinapay sa susu­nod na linggo matapos magkaisa ang iba’t ibang samahan ng mga bakery owners na magbawas na rin ng presyo sa kanilang mga paninda.

Sinabi ni Simplicio Umali, Jr., pangulo ng Philippine Baking Industry Group, simula sa susunod na linggo ay magbabawas na sila ng P.50 sentimos sa kada-balot ng loaf bread o tasty, habang daragdagan naman nila ang timbang ng bawat isang pirasong pandesal.

Ayon pa kay Umali, sa halip na magbawas sila ng P.25 sentimos sa bawat isang pandesal, ipinasiya nilang lakihan at dagdagan na lamang ang timbang nito dahil nakakalito pa kung alanganin ang halagang ibabawas nila sa bawat isang pandesal.

Habang sinabi naman ni Chito Chavez ng Philippine Federation of Bakers Association na ang pagta­tapyas nila sa presyo ng kanilang produkto ay bun­sod ng pagbaba sa halaga ng harina sa P940 kada-sako mula sa P957 at ang patuloy na rin na pagbaba ng bawat-tangke ng LPG.

Aminado rin si Umali na hindi sila kuntento sa P17 ibinawas ng mga flour millers sa halaga ng bawat-sako ng harina dahil bag­sak na aniya ang presyo nito sa mga bansang pinag­kukuhanan nila bagama’t mas mabuti na rin aniya ang nangyaring pagbaba­was kesa sa wala. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AMINADO

AYON

CHITO CHAVEZ

HABANG

PHILIPPINE BAKING INDUSTRY GROUP

PHILIPPINE FEDERATION OF BAKERS ASSOCIATION

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SIMPLICIO UMALI

UMALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with