^

Bansa

China trip ng PASG officials magpapalakas sa RP economy

-

Magtutungo sa China si Presidential Anti-Smuggling Group chief Undersecretary Antonio Villar Jr. at 2 iba pang PASG officials upang lalong palakasin ang pagkakaibigan at economic relations ng RP at China.

Sinabi ni Usec. Villar, inimbitahan siyang dumalo sa 5th China Longyan Investment fair sa susunod na linggo na gaganapin sa Longyan, Fujian, China.

Ang imbitasyon kay Villar ay ipinaabot ni Longyan Municipal Vice-Mayor Zhang Siliang. Ang 2 pang PASG officials na isasama ni Villar ay sina PASG director for operations at NBI deputy director Edmund Arugay at PASG legal officer Atty. Bernabe Solis.

“This is good. The talks we will have may be suitable time to exchange ideas on matters that may be of interest economic-wise for the Philippines and China,” sabi ng PASG chief.

Aniya, batid naman ng mga Chinese officials ang ginagawang kampanya ng PASG laban sa smuggling at malaki ang maitutulong ng mga ito upang mala­banan ang smuggling na nagmumula sa China. (Rudy Andal)

ANIYA

BERNABE SOLIS

CHINA LONGYAN INVESTMENT

EDMUND ARUGAY

FUJIAN

LONGYAN MUNICIPAL VICE-MAYOR ZHANG SILIANG

PHILIPPINES AND CHINA

RUDY ANDAL

SMUGGLING GROUP

UNDERSECRETARY ANTONIO VILLAR JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with