^

Bansa

TMG vs Airport police, sekyu nagkagirian

-

Muntik magka-engku­ wentro ang grupo ng PNP-Traffic Management Group (TMG), Airport Police Department at airport security guards matapos arestuhin ng TMG ang isang Airport police na rumesponde la­mang nang magpasaklolo ang mga sekyu ng Ninoy Aquino International Airport nang sitahin ng TMG ang mga guwardya dahil sa malaking blinker na naka­kabit sa ibabaw ng kanilang sasakyan.

Agad pinosasan ng mga operatiba ng TMG si APD Cpl. Roberto Abuel ma­tapos na umano’y maki­pagtalo at pumalag nang sitahin sa gamit ng blinker saka dinala sa PNP Headquarters sa Camp Crame sa Edsa, Quezon City.

Sa report ng APD-Police Intelligence and Investigation Division, dakong alas-9:40 ng umaga sa 6-11, Brgy. Pildera II, malapit sa Old Domestic Road, nang rumesponde si Cpl. Abuel nang makatanggap ng tawag hinggil sa nang­yayari sa pagitan ng TMG at security ng Lanting Security and Watchmen Agency na nagsisilbi sa buong paliparan.

Nang nasa lugar si Abuel ay nasaksihan nito na aktong tinatanggalan ng blinker ang service vehicle ng Lanting subalit pagka­baba pa lamang umano nito ng sasakyan ay siya naman ang pagbalingan ng mga tauhan ng TMG dahil sa blinker din na nakakabit sa airport police mobile car.

Nangatwiran si Abuel sa TMG na rumesponde la­ mang siya sabay pakila­lang miyembro ng Airport police, subalit imbes na pakinggan ay agad umano siyang pino­sasan ng mga pulis at isina­kay sa PNP mobile patrol.

Tangay din ng TMG ang APD mobile car na Mitsu­ bishi Adventure na may plakang SGH-793 na may body number 28 at maging ang sasakyan ng Lanting at mga security guards nito ay dinala sa Camp Crame.

Samantala, inutos na ni PNP chief Gen. Jesus Ver­zosa na imbestigahan ang naturang insidente at papa­nagutin ang may kasalanan dito. (Butch Quejada/Ellen Fernando)

ABUEL

AIRPORT POLICE DEPARTMENT

BUTCH QUEJADA

CAMP CRAME

ELLEN FERNANDO

JESUS VER

LANTING SECURITY AND WATCHMEN AGENCY

NANG

SHY

TMG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with