23 Pinoy seamen bihag sa Somalia
Isang chemical-tanker na may lulang 23-all Filipino crew ang sinasabing na-hijack ng mga Somali pirates noong Lunes ng hapon sa Gulf of Aden.
Sa nakarating na ulat sa Department of Foreign Affairs (DFA) mula sa Philippine Embassy sa Nairobi, Kenya,Tiniyak naman ni DFA Spokesman Claro Cristobal na nasa ligtas umanong kalagayan ang mga Pinoy seamen at nakikipag-ugnayan na ang DFA sa may-ari ng barko upang matiyak ang mabilis at ligtas na pagpapalaya sa barko at mga tripulante nito.
Ang chemical tanker na MT Stolt Strength ay patungo sa Asya nang harangin ng mga pirata.
Ito ang ikalawang barkong inuupahan ng chemical shipping group na Stolt-Nielsen, na na-hijack ng mga pirata.
May dalawang buwan na ang nakararaan nang una umanong bihagin ng mga pirata ang MT Stolt Valor, na inuupahan din ng Stolt-Nielsen, habang patungo naman sa bansang India. (Mer Layson)
- Latest
- Trending