Bolante ibibilibid
Nagbabala kahapon si Senate Minority Lea der Aquilino Pimentel Jr. na posibleng makulong sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante kung tatanggi pa rin itong magsabi ng totoo kaugnay sa P728 milyon fertilizer fund.
Nagkasundo kahapon ang mayorya ng mga senador na mi yembro ng Senate committee on rules na muling buksan ang imbestigasyon sa isyu na pagwaldas ng pondo ng abono.
Ayon naman kay Senate sergeant-at-arms Jose Balajadia, sa Senado dapat idiretso si Bolante paglabas nito sa St. Luke’s Medical Center na tinuluyan ng dating opisyal pagkauwi sa Pilipinas mula sa Amerika.
Gayunman, habang isinusulat ito, pumayag kinalaunan ang senado na manatili muna si Bolante sa ospital.
Nangako si Bolante na dadalo siya sa pagdinig ng senado sa Huwebes.
“Kung hindi siya magsasabi ng totoo, dapat na siyang makulong sa Muntinlupa dahil ito ang nararapat gawin sa mga testigo,” sabi ni Pimentel.
Inihalimbawa ni Pi mentel ang naging kaso ng Frenchman na si Jean Arnault noong late 50’s o 60’s kung saan ipinakulong ito sa NBP dahil sa pagtangging tumestigo.
Hindi aniya puwedeng si Bolante ang magbigay ng kondisyon sa Senado lalo pa’t tinakasan nito ang pagdinig noong nakaraang Kongreso.
Si Bolante ang sinasabing arkitekto ng fertilizer fund scam na pinaniniwalaang ginamit sa kampanya ni Pangulong Gloria Arroyo noong 2004 presidential elections.
Makaraan ang mahigit dalawang linggong pagkakaratay sa St. Luke’s, pinayagan na ng doktor nito na makalabas na mula sa pagamutan si Bolante.
Bunsod nito, maaari nang sumabak si Bo lante sa pagbusisi ng Senado.
Kaugnay nito, sinabi ni Dr .Romeo Saavedra na tumingin kay Bolante na napasabihan na niya si Senate medical unit head Mariano Blancia hinggil sa clearance na naibigay niya kay Bolante para makalabas na ito ng pagamutan.
Samantala, inihain kahapon ni Palawan Congressman Abraham Mitra sa mababang kapulungan ang isang panukalang resolusyong humihinging imbestigahan si Bolante hinggil sa P728 million fertilizer fund scam.
Gusto rin ni Bayan Muna Rep. Teddy Casino na maibestigahan si Bolante sa kongreso dahil marami aniyang mga kongresista ang tumanggap ng P3 hanggang P5 million na bahagi ng P728 million fertilizer scam.
- Latest
- Trending