Anti-drugs program sa mga bata

Imus, Cavite - Pina­ngu­nahan ni Vice-Mayor Mandy Ilano, ang acting mayor ng maunlad na su­burban na bayang ito ang isang agre­ sibong kam­panya kontra drug addiction na ang tina­target na maturuan ay mga batang mag-aaral.

Tinawag ang proyekto na “Starting Them Young” ay naglalayong turuan ang mga bata hinggil sa kasa­maan ng drug addiction at kung paano mai­iwasan na maging biktima ng nasabing bisyo.

Ipinaliwanag ni Ilano na pasisimulan nila ang pro­yekto sa may walong pri­bado at pampublikong es­kwelahan sa high school bilang mga pilot areas.

Sa kasalukuyan ay sini­mulan na nila ang pro­yekto sa dalawang pa­aralan na nag-boluntaryo na siyang magpasimula ng programa.

“Kung makita natin na epektibo ang programa ay palalawakin natin ito sa buong munisipalidad at kung maari at magugus­tuhan ng ibang bayan ay pu­wede din naman nila itong i-adopt,” sabi ni Ilano.

Show comments