^

Bansa

Gen. Verzosa nagpaliwanag kay Sen. Revilla

-

Nakipagkita noong Bi­ yernes si Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa kay Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. para personal niyang maipaliwa­nag ang bagong patakaran ng pu­lisya sa relasyon sa media tulad ng pagbaba­wal sa mga reporter na makita ang police blotter.

Nilinaw ni Verzosa kay Revilla na walang inten­syon ang PNP na sagkaan ang kalayaan sa pamama­hayag.

Sinabi ni Verzosa na nais lang nilang pag-iba­yuhin ang pagtutulungan ng PNP at ng media na ma­pangalagaan ang mga bik­tima ng krimen lalo na sa paglantad nito sa pub­liko.

Idinagdag niya na target ng direktiba na matu­gunan ang mga kaso ng kidnapping at iba pang malalaking krimen na, rito, ang wala sa panahong pag-uulat sa media ay nagdudulot ng panganib sa biktima at pamilya nito at maging sa testigo.

Nais din ni Verzosa na makipagpulong sa mga lider ng media industry para linawin ang hangarin ng PNP sa pagdede­sen­tralisa sa trabaho ng public information offices. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUTCH QUEJADA

IDINAGDAG

NAKIPAGKITA

NILINAW

PHILIPPINE NATIONAL POLICE CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

REVILLA

REVILLA JR.

SENADOR RAMON

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with